Maligayang Pasko (Lyrics)

Song Title: "Maligayang Pasko" 
Artist: Bukas Palad Music Ministry
Album: Pasko Na!



Maligayang Pasko sa iyo, Inang Maria
Ilang daang taon na ang lumipas
Nang ikaw ay magpasyang
Maging ina ang Tagapagpalaya
Sa mundo, Inang Maria
Pinagpala ka ng Diyos Ama
Maging ang bunga mong Anak ng Diyos


At narito ang Paskong nagmula
Sa 'ting mapagmahal na Ama
Sa pamamagitan mo
Kundi sa 'yo, mayro'n kaya tayong Pasko

Maligayang Pasko sa iyo, Inang Maria
Isang kahilingan pa sana
Huwag kaming kalilimutan
Idalangin kami'y matulad
Sa iyo, Inang Maria
At maging huwaran namin tuwina
Ang halimbawa mong nagsilang sa Kanya

CatholicSongbook.com


No comments

LIKE US ON FACEBOOK! @CatholicSongbook
Powered by Blogger.