[Video] Himig Heswita Medley

Himig Heswita Medley (Sa 'Yo Lamang, Tanging Yaman, Awit ng Paghahangad, Ito ang Araw, Panunumpa) Himig Heswita with Tinig Barangka Fr... thumbnail 1 summary

Himig Heswita Medley (Sa 'Yo Lamang, Tanging Yaman, Awit ng Paghahangad, Ito ang Araw, Panunumpa) Himig Heswita with Tinig Barangka

Fr. Arnel Aquino, SJ on the piano and Mr. Jay Gomez on flute by Various JMM Jesuit’s Composers Sa 'Yo Lamang Manuel V. Francisco, SJ Puso ko’y binihag mo sa tamis ng pagsuyo, tanggapin yaring alay, ako’y Iyo habang buhay. Anhin pa ang kayamanan, luho at karangalan, kung ika’y mapasakin, lahat na nga ay kakamtin ALL Refrain: Sa ‘Yo lamang ang puso ko, Sa ‘Yo lamang ang buhay ko, kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa. Tanging Yaman Manuel V. Francisco, SJ Ika’y hanap sa t’wina nitong pusong ikaw lamang ang saya, sa ganda ng umaga, nangungulila sa ‘yo, sinta. ALL Refrain Ikaw ang aking tanging yaman na di lubusang masumpungan. Ang nilikha mong kariktan, sulyap ng ‘Yong kagandahan. Awit Ng Paghahangad Charlie Cenzon, SJ Ika’y pagmamasdan sa dakong banal, nang makita ko ang ‘yong pagkarangal dadalangin akong nakataas aking kamay, magagalak na aawit ng papuring iaalay. ALL Refrain: Gunita ko’y ikaw habang nahihimlay, pagkat ang tulong mo sa twina’y taglay. Sa lilim ng iyong mga pakpak, Umaawit…umaawit…umaawit akong buong galak! Ito Ang Araw Arnel dC Aquino, SJ Ang Aking Panginoon, moog ng buhay. S’ya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo. Kahanga-hanga sa aming mga mata. Gawain N’ya; Purihin S’ya! ALL Refrain: Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, tayo’y magsaya at magalak! Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, tayo’y magsaya at magalak! Panunumpa Jboy Gonzales, SJ Ikaw lamang ang pangakong mahalin, sa sumpang sa iyo magpakailanpaman yakapin mong bawat sandali ang buhay kong sumpang sa’Yo lamang alay, at mapapawi ang takot sa ‘kin pagkat taglay lakas mong angkin ALL Bridge: Ikaw ang siyang pag-ibig ko. Asahan moa ng katapatan ko. Kahit ang puso ko’y nalulumbay, mananatiling ikaw pa rin. ALL Refrain: Ikaw lamang ang pangakong mahalin sa sumpang sa iyo magpakailanpaman. Yakapin mo, bawat sandali ang buhay kong sumpang sa ‘yo lamang alay. At mapapawi ang takot sa ‘kin. Pangakong walang hanggan…. At mapapawi ang takot sa ‘kin, pagkat taglay, lakas mong angkin. FINALE: ALL Refrain: Sa ‘Yo lamang ang puso ko, Sa ‘Yo lamang ang buhay ko, kalinisan, pagdaralita, pagtalima, aking sumpa.

No comments

Post a Comment

Leave Your Comments/ Requests

LIKE US ON FACEBOOK! @CatholicSongbook