Awit Sa Mahal Na Puso Ni Hesus (Lyrics and Chords)

[Communion] [Lent] Danny Isidro, SJ - Nemy Que, SJ  Intro: G C/G G C/G I. G D/F# Em Bm7 Panginoong ... thumbnail 1 summary
[Communion] [Lent]
Danny Isidro, SJ - Nemy Que, SJ 

Intro: G C/G G C/G




I.
            G      D/F#      Em          Bm7
Panginoong Hesus, ang Puso Mong Mahal,
          C        G/B            A         D
Bukal ng pag-ibig na lubhang dalisay.
                   G       D/F#   Em       G7
Nagkat'wang-tao Ka, sa lupa'y namuhay,
   C                G                     D      G  B7
Ikaw ay nagmahal hanggang kamatayan.

KORO:
           Em        B7          Em           B7
Nang sugatan nila ang Puso Mong Mahal,
     G                D               G            B7
Dumaloy ang tubig at dugo Mong banal
         Am7         D7          G    Em
Na humugas sa 'ming mga kasalanan;
          Am7    Bm7            C               D7
Naghatid sa 'min ng walang hanggang buhay;
        G              C                 D         G  C/G
Pag-ibig Mo, Hesus, ay walang kapantay.

II.
Panginoong Hesus, ang Puso Mong Mahal,
Puspos ng pag-ibig at ng kabutihan.
Nagpupuri kami't sa 'Yo'y inaalay:
Ang buhay na aba sa pagmamahalan.

(Ulitin ang Koro)

2013 | Catholic Songbook™

No comments

Post a Comment

Leave Your Comments/ Requests